^

Metro

Australian national pinainan ng babae, ninakawan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natangay ang pera at alahas ng isang Australian national makaraang sumama sa dalawang la­laking hindi kakilala at mapainom ng kapeng may pampahilo nang painan ng babae, kamakalawa sa Caloocan City.

Aabot sa P40,000 cash at $3,000 halaga ng alahas ang natangay sa biktimang nakilalang si Antonio Pinto, 52.

Sa salaysay ni Pinto sa pulisya, nakatayo siya sa tapat ng isang fastfood chain sa Makati Ave­nue dakong alas-10:30 ng umaga nang lapitan ng dalawang lalaki. 

Isa sa dalawang lalaki ang nagsabi na nais umano siyang makilala ng kanyang anak na dalaga at ipinakita pa ang larawan.

Napapayag naman si Pinto na sumama sa da­lawa hanggang sa makarating sa bahay ng suspek sa isang bahagi ng lunsod ng Caloocan. Sa loob ng bahay, pinainom ang suspek ng kape na posibleng may gamot na pampahilo kaya nawala sa sarili ang biktima.

Dito tinangay ng mga suspek ang gintong bracelet at singsing habang nagawa pa umano siyang isama ng dalawang lalaki sa bangko at nakapag-withdraw ng P40,000 halaga sa kanyang Travel Money card bago bumalik ng bahay.

Isinakay naman ng dalawang suspek ang biktima sa isang taxi at ipinahatid sa hotel nito sa Makati.

Nang mahimasmasan si Pinto, agad na nagtungo ito sa istasyon ng pulisya at iniulat ang naganap na pandedenggoy sa kanya.

 

vuukle comment

AABOT

ANTONIO PINTO

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

DITO

ISA

ISINAKAY

MAKATI AVE

TRAVEL MONEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with