^

Metro

Kelot itinumba sa mismong bahay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang 28-anyos na lalaki nang barilin sa loob ng kaniyang bahay ng hindi pa kilalang suspek, kamakalawa ng gabi, sa Tondo, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Francisco Aleta Jr., ng Quirino St. Tondo, Maynila dahil sa dalawang tama ng baril sa ulo at tagiliran.

Sa ulat ni PO3 Crispino Ocampo ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-6 :00 ng gabi  sa mismong inuupahang silid ng biktima, ilang minuto lamang makaraang umalis ang live-in partner nitong si Tony Ann Salazar.

Nagpaalam umano ang babae na pupunta sa kaniyang nanay kaya naiwang mag-isa ang biktima na sinamantala naman ng suspek.

Isang bata ang nakakita sa duguang biktima at inireport ito sa barangay ang insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon habang inilagak naman sa St. Rich Funeral Homes ang bangkay.

vuukle comment

CRISPINO OCAMPO

FRANCISCO ALETA JR.

ISANG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NAGPAALAM

PATULOY

QUIRINO ST. TONDO

ST. RICH FUNERAL HOMES

TONY ANN SALAZAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with