^

Metro

GM Vitangcol nagharap ng kasong perjury vs Czech Ambassador

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsampa ng kasong perjury si Metro Rail Transit (MRT) 3 General Ma­nager Al Vitangcol laban kay Czech Ambassador Josef Rychtar sa Makati City Prosecutor’s Office ma­tapos siyang akusahan nito ng umano’y pangi­ngikil sa isang kompanya ng bansa nito.

Nabatid na noong Lunes, Mayo 12, isinampa ni Vitangcol ang kaso laban sa naturang ambassador matapos na akusahan siya ng huli  hinggil sa tangkang pangingikil ng $30 milyon sa isang Czech company. Ito ay bilang kapalit umanong kontrata sa pagbili ng mga bagong bagon ng MRT, na mariin namang itinanggi ng ma­nager ng MRT.

 Sa isang  pahayag ni Vitangcol, nilinaw nito  na personal ang desisyon niyang tuluyang kasuhan sa Makati City Prose­cutor’s Office  si Rychtar at wala aniyang kinalaman dito  ang Department of Transportation and Communications (DOTC) at ang  pamunuan ng MRT.

vuukle comment

AL VITANGCOL

CZECH AMBASSADOR JOSEF RYCHTAR

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

GENERAL MA

MAKATI CITY PROSE

MAKATI CITY PROSECUTOR

METRO RAIL TRANSIT

VITANGCOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with