^

Metro

P1.5-M halaga ng ari-arian naabo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa P1.5 milyong halaga ng ari-arian ang na­abo sa sunog na lumamon sa dalawang palapag na bahay sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay Sr. Supt. Jesus Fernandez, fire marshal ng Quezon City Fire Station, ang nasunog na bahay ay pag-aari ng isang Richard­ Tan na matatagpuan sa bahagi ng Banawe St. sa Bgy. Sto. Domingo, Quezon City.

Nagsimula ang sunog sa garahe ng isang dalawang palapag na bahay, ganap na alas-7:58 ng umaga ma­tapos ang umano’y isang ma­­lakas na pagputok sa servant quarters nito.

Sabi ni Fernandez, posibleng nagkaroon ng electrical short circuit sa nasabing lugar dahil may kalumaan na ang bahay na siyang pinalala naman ng mga highly flammable na spray paint at pintura na naimbak dito.

Agad itinaas ang sunog sa ikalawang alarma na idineklara namang fire out alas-8:40 ng umaga.

Wala namang iniulat na nasaktan o  nasawi sa nasabing sunog­.

vuukle comment

AABOT

AYON

BANAWE ST.

BGY

DOMINGO

JESUS FERNANDEZ

QUEZON CITY

QUEZON CITY FIRE STATION

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with