^

Metro

Riot ng 2 gang: 1 patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nasawi makaraang ma­saksak sa naganap na rambulan sa pagitan ng  grupo ng una na Batang Clover Gang (BCG) at Batang Hamog Gang (BHG) sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na nakilala lamang sa pa­ngalang alyas Balong ay nagawa pang ma­itakbo sa pagamutan, pero idineklara ding dead on arrival.  

Ayon kay PO2 Louie Serbito, natukoy naman ng ilang testigo ang sumaksak sa biktima sa alyas na Gino na miyembro ng BHG.

Nangyari ang insidente sa may harap ng Cloverleaf Market na matatagpuan sa Barangay Balingasa, ala-1 ng madaling- araw.

Diumano, nagkrus ang landas ng grupo­ ni Balong at BHG naman ni Gino sa nasabing lugar kung saan sa hindi mabatid na dahilan ay biglang nag-iringan ang mga ito na nauwi sa matinding riot.

Sa rambulan, bigla na lamang uma­nong nagbunot ng patalim si Gino at tinad­tad ng saksak sa buong katawan si Balong, bago nahinto ang laban at tulu­yang nagsitakas ang mga ito.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

BALONG

BARANGAY BALINGASA

BATANG CLOVER GANG

BATANG HAMOG GANG

CLOVERLEAF MARKET

GINO

LOUIE SERBITO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with