^

Metro

Sunog sa Malabon: 1 patay, 1 sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa ang nasawi, habang isa pa ang na­sugatan sa sunog na naganap sa Malabon City kahapon ng umaga.

Patay na nang makitang natatabunan ng mga yero habang nakalubog sa baha ang nasawing si Arnel Arquisalaz, 30,  ng Pasilio B, Artex  Compound, Brgy. Panghulo ng naturang  lungsod.

Ginagamot naman sa Alfonso Medical Clinic sanhi ng sugat sa ulo si Baby Caniete, 16, makaraang mabagsakan ng matigas na bagay.

Ayon sa imbestigas­yon ng Malabon City Police at Malabon Fire Department, dakong alas-10:00 ng umaga nang magsimula ang sunog sa bahay ni Helen Toribio dahil sa electrical faulty wiring.

Mabilis na kumalat ang apoy kahit lubog sa baha hanggang sa ma­damay ang aabot sa 55 kapitbahay.

Hindi na nakalabas ng bahay ang nasawi na sinasabing lasing na natulog hanggang sa makitang natatabunan ng yero habang nakalubog sa baha ang bahay.

Isang oras ang itinagal bago naapula ang sunog.

vuukle comment

ALFONSO MEDICAL CLINIC

ARNEL ARQUISALAZ

ARTEX

BABY CANIETE

HELEN TORIBIO

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MALABON FIRE DEPARTMENT

PASILIO B

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with