^

Metro

Biktima ng salvage, natagpuan sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaking hinihinalang pinatay sa pamamagitan ng pagsakal ang  natagpuang nakabulagta sa isang bangketa ng Commonwealth Avenue sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO1 Jaime Jimena, inilarawan ang biktima na may  taas na 5’7’’,  kalbo,  nakasuot ng puting t-shirt,  at dirty white cargo short pants.

Sinabi ni Jimena, nadiskubre ang bangkay ng biktima sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue, partikular sa harap ng Aluminum warehouse na matatagpuan sa Block 167, Lot 17, Brgy. Greater Lagro, ganap na alas- 5:30 ng umaga.

Sabi ni Fernando Vicerra, palabas umano siya ng kanyang sari-sari store nang makita niya ang isang lalaki na nakahandusay sa nasabing bangketa.

Unang inakalang isa lamang itong lasing na nakatulog sa lugar, pero nang kanyang lapitan ay nakita niyang hindi na ito humihinga kung kaya agad siyang tumawag ng awtoridad.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO) may nakitang marka ng pananakal sa kanyang leeg at sugat sa kanyang pulso na indikasyon na iginapos pa ito ng salarin, bago paslangin.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing in­sidente.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

FERNANDO VICERRA

GREATER LAGRO

ISANG

JAIME JIMENA

JIMENA

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with