^

Metro

2 holdaper timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaresto ang umano’y dalawang kilabot na holdaper nang makilala ito ng isang miyembro ng Manila Police District-Theft and  Robbery Section, sa loob ng pampasaherong dyip, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng hapon.

Nakapiit sa MPD-TRS ang mga suspect na sina  Frederuck Lumar, alyas “Boknoy” 32, may-asawa, mi­yembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang na residente ng   Evangelista St., Quiapo at ang kasama nitong si Julius Cario, 22,   residente ng Bocaue, Bulacan.

Sa ulat ni  PO3 Jet Tajonera,  dakong ala-1:00 ng hapon nang  maispatan  ni PO2 Margarito Dequito ang mga suspect na nasa loob ng isang pampasaherong dyip na may biyaheng Cubao-Quiapo, sa  kahabaan ng España St., sa Sampaloc.

Habang sakay siya ng sariling kotse, sinundan niya ang nasabing pampasaherong dyip hanggang sa Lerma St. at hindi na hinintay pa na mangholdap ang dalawa at sinita niya ito at nakuhanan ng tig-isang patalim.

Aminado umano ang dalawa na plano pa lamang na mangholdap subalit nang makita si Dequito  ay nakilala din nilang pulis ito.

Si Lumar ay ilang beses na umanong nasangkot sa kasong robbery at labas-masok na sa piitan.

vuukle comment

EVANGELISTA ST.

FREDERUCK LUMAR

JET TAJONERA

JULIUS CARIO

LERMA ST.

MANILA POLICE DISTRICT-THEFT

MARGARITO DEQUITO

ROBBERY SECTION

SI LUMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with