^

Metro

Pang-Christmas party ng QCPD, ipinamigay sa Pablo victims

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakalikom ng aabot sa kalahating tone­ladang second-hand na damit at mga grocery items ang Quezon City Police District (QCPD) bilang tulong na ipamamahagi sa mga biktima ng bagyong Pablo.

Ayon kay QCPD director Chief Supt.Mario O. dela Vega, bagama’t maliit na bagay ang tulong na ibinahagi ng kanilang pamunuan, madudugtungan naman nito ang panga­ngailangan ng mga nabiktima ng nasabing bagyo.

Bukod dito, magbibigay-daan din para sa kanilang mga tauhan na ibukas ang kanilang isipan na sa halip na hu­mingi ay makakabuti ang tumulong sa mga nanga­ngailangan kahit sa kaunting bagay lamang.

Nauna rito, nagpalabas ng memo­randum si Dela Vega hinggil sa hindi pagka­karoon ng Christmas party para sa buong kagawaran, sa halip ay itulong na lamang ang makukuha nilang pondo para sa biktima ng Pablo.

Samantala, bukod sa tulong ng QCPD, nagbigay tulong din ang buong grupo ng QCPD press corps sa pamumuno ni Almar Daguilan ng mga damit at mga grocery items para sa biktima ng Pablo.

 

vuukle comment

ALMAR DAGUILAN

AYON

BUKOD

CHIEF SUPT

DELA VEGA

MARIO O

NAKALIKOM

NAUNA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with