Kelot patay sa 4 na rider

MANILA, Philippines - Isang 29-anyos na lalaki ang patay, habang isa pa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng dalawa sa apat na kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo sa lungsod Quezon, kama­kalawa.

Ayon sa ulat, nakilala ang nasawi na si Leonel Catap, ng Muñoz St., Talanay Area B. Brgy. Batasan Hills sa lungsod.

Sugatan naman si Marites Alvero, 22, na tinamaan ng ligaw na bala sa katawan at gina­gamot sa East Avenue­ Medical Center.

Inaalam naman ng awtoridad ang pagka­kakilanlan ng apat na suspect na mabilis na tumakas gamit ang dalawang motorsiklo.

Nangyari ang insi­dente sa may bahagi ng Muñoz St., Brgy. Ba­tasan Hills ganap na alas-8 ng gabi.

Diumano, nakaupo ang biktima sa nasa­bing lugar nang duma­ting ang mga suspect sakay ng dalawang motorsiklo. Mula rito ay bumaba ang mga angkas ng motor­siklo at nilapitan ang biktima saka pinagbabaril.

Samantala, nang mangyari ang pamamaril sa biktima ay papadaan naman sa lugar si Alvero kung kaya’t tinamaan ito ng ligaw na bala sa ka­tawan. Patuloy ang imbestigasyon ng awto­ridad sa naturang insi­dente.

Show comments