^

Metro

Colonel nanapak, nanutok ng baril sa bar

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Naghain ng reklamo sa Manila Police District-General Assignment Section ang isang miyembro ng Philippine Navy laban sa isang umano’y mataas na opisyal ng Philippine National Police na nanapak at nanutok ng baril dahil lamang umano sa masamang tingin, sa isang bar, sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Sa reklamo ng biktimang si Weicid Ryan Anas, 29, binata, mi­yembro ng PN at resi­dente ng no. 311 J. Baybay Tanza, Iloilo City, sinapak siya at tinutukan ng baril ng suspect na nakilala lamang sa identification card na si “Supt. Tuano”, dakong ala-1:45 ng madaling-araw sa Cowboy Grill sa Malate, Maynila.

Nauna dito, nag-iinuman ang grupo ng biktima habang sa kabilang mesa ay ang grupo ng suspect nang napatingin umano ang biktima sa isa sa grupo ng suspect.

Minasama umano ito ng kasama ng suspect at nilapitan sila kasama ang nagpakilalang ‘colonel Tuano’, na nagpakita pa umano ng ID bago siya sinapak.

Binalikan pa umano sila ng nasabing PNP official at sa pagkakataong iyon ay may bitbit na baril na itinutok sa kaniya bagamat hindi naman ipinutok, bago umalis ng bar.

Aalamin pa ang buong pangalan ng nasabing opisyal para sa   paghahain ng  pormal na kaso.

AALAMIN BAYBAY TANZA COWBOY GRILL ILOILO CITY MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION MAYNILA PHILIPPINE NATIONAL POLICE PHILIPPINE NAVY TUANO WEICID RYAN ANAS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with