^

Metro

Biyuda tigok sa lola

- Ni Ludy Bermudo -

Manila, Philippines -  Matapos magtalo dahil sa tsismis, isang 52-anyos na biyuda ang sinaksak at napatay ng isang lola sa tapat ng isang sari-sari store, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang bik­timang si Susana Alonzo, residente ng Isla Puting Bato Tondo, sanhi ng tinamong saksak sa pigi. Hinahanting naman ng mga awtoridad ang tumakas na suspect na kinilalang si Clarita Pagaduan, 55-anyos, at kapitbahay ng nasawi.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas- 8:10 ng umaga sa harap ng Herla Sari-sari Store sa nasabing lugar, malapit sa bahay ng biktima at ng suspect.

Nagkainitan at nagsabunutan umano ang dalawa hinggil sa hindi pa batid na isyu ng tsismis at nang makadampot umano ng patalim ang suspect ay itinarak sa biyuda na tumama sa kaliwang pigi at naging sanhi ng kamatayan nito.

CLARITA PAGADUAN GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER HERLA SARI HINAHANTING ISLA PUTING BATO TONDO MATAPOS MAYNILA NAGKAINITAN SARI SUSANA ALONZO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with