No. 2 most wanted sa CAMANAVA, timbog

MANILA, Philippines - Natimbog ng mga tauhan ng pulisya ang itinuturing na pangalawang most wanted criminal sa CAMANAVA area sa isinagawang ope­rasyon kamakalawa sa Navotas City.

Kinilala ang nadakip na si Reynaldo Cruz Sr., ng M. Domingo St., Brgy. Tangos, Navotas City na nahaharap sa kasong murder.

Sa report na natanggap ng Northern Police District (NPD), nadakip ng mga ope­ratiba ng Warrant Section ng Navotas City Police si Cruz sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu ni Judge Leo­nardo L. Leonida, ng Branch 74, NCJR, Malabon City matapos makatanggap ng impormasyon na umuwi ito sa kanyang bahay. 

Lumalabas sa rekord ng pulisya, na sa 20 most wanted criminal sa area ng CAMANAVA, nabatid na si Cruz ay itinuturing na pumapangalawa.

Show comments