^

Metro

Dating live-in partner ni Daza inilibing na

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang labi ng pinaslang na negosyanteng si Noel Orate Sr., ang dating kinakasama ni ex-Quezon City Rep. Nanette Daza kahapon kasabay ng panawagan ng hustisya ng kanyang pamilya.

Nakasuot ng itim at puting damit na tanda ng pagdadalamhati at nakaimprenta sa damit ang mensaheng “Justice for Noel Orate” ay inihatid ng kanyang pa­milya si Orate sa Loyola Memorial Park sa Marikina City pasado alas-10 ng umaga.

Bago ang libing, isang memorial service ang isinagawa sa Arlington Memorial Chapel, ng buong kaanak ng Orate na nagpaha­yag na lalaban sila para sa hustisya para sa kanilang ama.

Pebrero 10 nang pagbabarilin at mapatay sa loob ng bahay ni Cong. Daza si Orate ng mismong manugang ng mambabatas na si Bulacan provincial board member Allan Robes.

Kasong murder ang isinampang kaso ng pa­­­milya Orate laban kay Robes, ngunit na­ibaba ito sa kaso ng ho­micide dahilan para pansaman­talang makalaya ang huli sa bisa ng piyansa.

Gayunman, hiniling ng pamilya Orate ang panibagong pagsisiyasat para maiakyat ito sa kasong murder.

vuukle comment

ALLAN ROBES

ARLINGTON MEMORIAL CHAPEL

LOYOLA MEMORIAL PARK

MARIKINA CITY

NANETTE DAZA

NOEL ORATE

NOEL ORATE SR.

ORATE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with