^

Metro

Pagkamatay ng pasyente sa Mental Hospital, bubusisiin ng NBI

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagpasaklolo sa Na­tional Bureau of Investigation (NBI) ang pamilya na n­aulila ng pasyente ng National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong City na mis­­ter­yoso ang pagkamatay, ma­tapos makitang may marka­ ng lubid sa leeg noong Linggo.

Kinumpirma ito kahapon ni NBI-National Capital Region (NBI-NCR) regional director Atty. Constantino Joson base sa kahilingan ng pamilya ng namatay na pas­yenteng si Randy Carreon, na imbestigahan kung may foul play sa insidente.

Unang iniulat na na­ma­tay ito sa atake sa puso, pero nang iawtop­siya, luma­bas na may marka ng sakal ang leeg nito.

“Hinala nila, parang pinatay daw si Carreon at hindi namatay dahil sa sakit sa puso as claimed by the NCMH,” pahayag ni Joson.

Naniniwala naman si Joson­ na maaaring pag­dudahan na may foul play matapos isumite ng PNP-Crime Laboratory ang findings na nagtamo ng mga sugat sa leeg ang bangkay ni Carreon.

Nangako naman si Joson na magsasagawa muna sila ng ocular inspection sa ospital kung saan namatay si Carreon.

Nabatid na may 12 taon nang pasyente ng NCMH si Carreon, at sa claim ng pamilya nito, wala itong ibang karamdaman, kaya nagulat silang malaman na namatay ito sa atake sa puso sa loob ng kanyang ward noong Linggo.

May isyu din na pinapirma umano ang bayaw ni Carreon ng hospital personnel ng waiver na hindi na ipaaawtop­siya ang bangkay. Taliwas naman ito sa hakbang ng pamilya ng biktima na ipina awtopsiya nila ito sa PNP.

vuukle comment

BUREAU OF INVESTIGATION

CARREON

CONSTANTINO JOSON

CRIME LABORATORY

JOSON

LINGGO

MANDALUYONG CITY

MENTAL HEALTH

NATIONAL CAPITAL REGION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with