'No Smoking' sa MCJ, QCJ
MANILA, Philippines - Tiniyak ng pamunuan ng Manila at Quezon City Jail na mahigpit nilang ipinatutupad ang “No Smoking” policy sa kani-kanilang kulungan alinsunod sa pinaiiral ng pamahalaan.
Ayon kina MCJ Warden Supt. Ruel Rivera at QCJ Warden Supt. Joseph Vela, bawal ang pagpapasok ng sigarilyo sa kulungan kung saan kinukumpiska ang mga ito.
Sinabi nina Rivera at Vela na layon nilang suportahan ang memorandum ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) chief Director Rosendo Dial na maging malinis ang kanilang mga nasasakupan sa kabila ng pagsisiksikan ng mga preso. Giit din ni Vela, agad niyang pinadadala sa QC Jail annex ang mga presong pasaway.
Samantala, bilang paggunita sa Ramadan, sinabi ni Rivera na binibigyan niya ng pagkakataon ang mga Muslim na ipagdiwang ito. Aniya, pinapayagan niya ang mga Imam na magsagawa ng pananampalataya sa loob ng piitan para sa mga kapatid na Muslim.
- Latest
- Trending