^

Metro

Tanod sinaksak, ginilitan ng 2 lasing, kritikal

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Matapos na hindi bigyan ng balut, isang barangay tanod ang nasa kritikal na kundisyon makaraang saksakin sa likod at gilitan pa sa leeg ng dalawang hindi nakilalang lasing na lalaki kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Kasalukuyang ginagamot sa Manila Central University Hos­pital­ ang biktimang si Julius Jacinto 38, ng Pineapple Road, Bgy. Potrero, ng nasabing lungsod.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspect at maaresto ang mga ito makaraang mabilis na tumakas matapos ang pananaksak.

Sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Malabon-PNP, dakong alas-4:45 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa harap ng Primass Inn, Mc Arthur Hi-way Brgy., Potrero Malabon City .

Nagroronda ang biktima sa naturang lugar nang bumili ito ng balut at kumain. Nagkataon namang dumaan ang mga suspect na susuray-suray at pagtapat ng mga ito sa biktima ay nanghingi ng balut na hindi pinagbigyan ng huli.

Dahil dito, isa sa mga suspect ang bigla na lamang bumunot ng patalim saka tinarakan sa likod at nilaslas pa ang leeg ni Jacinto bago mabilis nagsitakas. Nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya sa krimen.

vuukle comment

BGY

JULIUS JACINTO

MALABON CITY

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOS

MC ARTHUR HI

PINEAPPLE ROAD

POTRERO MALABON CITY

PRIMASS INN

STATION INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with