^

Metro

Kelot kinatay sa tapat ng bahay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ang isang lalaki habang ito ay nagpapahangin sa labas ng kanilang bahay kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hos­pital sanhi ng tatlong saksak sa katawan ang biktimang si Edwin Arroz, 29, ng Heroes Del 96, DM Compound, ng nabanggit na lungsod.     

Sa pahayag ng ka-live-in ng biktima na si Marilyn Bautista, alas-2:30 ng umaga, nagising sila nang mawalan ng kuryente sa kanilang lugar at dahil sobrang init ay nagpasyang lumabas   ng kanilang bahay si Arroz upang magpahangin.

Hindi pa nagtatagal ay muling pumasok ang biktima na duguan na at may mga saksak sa katawan na na­ging dahilan upang dalhin nila sa nabanggit na pagamutan.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

EDWIN ARROZ

HEROES DEL

KANILANG

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MARILYN BAUTISTA

NAGSASAGAWA

PINATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with