^

Metro

Sa nakawan ng sanggol sa mga ospital: CSF chief , personnel pinasisibak

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines -  Matapos ang dalawang sunod na insidente ng nakawan ng sanggol sa mga pampublikong ospital sa Maynila, hiniling ng ilang mga opisyal ang pagsibak sa hepe nito gayundin sa mga miyembro na nakatalaga sa Ospital ng Maynila at Ospital ng Sampaloc.

Ayon sa ilang opisyal ng Manila City Hall, ang magkasunod na insidente ay indikasyon ng kapabayaan umano ng hepe nito na si Major Nicolas Amparo at mga CSF personnel na nakatalaga sa naturang mga ospital.

Sinabi ng isang opisyal na ayaw magpabanggit ng pangalan na tila hindi namomonitor ni Amparo ang trabaho ng kanyang mga tauhan partikular na sa mga lugar na kaila­ngan ang mahigpit na pag­ babantay.

Masyado umanong ma­luwag ang mga tauhan ng CSF na nagresulta ng insidente ng pagnanakaw ng sanggol noong Marso 23 sa OSAM at sa Abril 28 sa OSMA.

Giit ng isang opisyal, dapat umanong kinuwes­tiyon ng CSF personnel na nagbabantay sa OSMA ang paglalabas sa sanggol ng nagpanggap na nurse lalo pa’t may tag ang sanggol sa kamay.

Matatandaang naging maluwag din ang pagba­bantay ng ilang CSF per­sonnel sa City College of Manila kung saan naipasok ng isang estud­yante ang isang baril na ipinutok nito sa kanyang kasintahan noong Marso 5.

vuukle comment

ABRIL

AYON

CITY COLLEGE OF MANILA

MAJOR NICOLAS AMPARO

MANILA CITY HALL

MARSO

MAYNILA

OSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with