^

Metro

Helper binoga, patay

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Patay ang isang helper ng isang towing company makaraang barilin sa ulo ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang suspect na sakay ng isang kotse, na kanilang tinangkang i-tow habang nakaparada sa isang “No Parking Zone” sa Pasig City kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Rizal Medical Center dahil sa tinamong tama ng bala ng kalibre 45 baril sa ulo na tumagos sa kanang sentido ang biktimang si Jomar Diaz, 29, ng Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Sa inisyal na imbestigas­yon ni SPO2 Rogelio Bal­tazar ng Station Investigation Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasig City Police, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng madaling araw sa St. Paul Drive corner Meralco Ave., Pasig City.

Sinasabing ang biktima at tatlo pang kasama ay sakay ng isang towing truck na accredited ng Metro Manila Development  Authority (MMDA) nang makita nila ang isang kulay itim na Honda Civic na may plakang  ZEC-395  na nakaparada sa isang “No Parking Zone”.

Agad umanong nilapitan ng biktima at mga kasama nito ang nasabing kotse para hatakin pero galit na lumabas ang driver nito kung kaya’t nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo ay bumaba rin ng kotse ang suspect at agad na bumunot ng baril na nakasukbit sa kanyang baywang, saka binaril sa ulo ang biktima, na dugu­ang bumagsak sa semento.

Maging ang mga kasama ng biktima ay pinagbabaril din ng suspect ngunit masuwerteng nakapagtago. 

Habang nagpapaputok ang suspect, isang kulay itim na Honda CRV na may plakang LIS-88 ang duma­ting at itinakas ang suspect habang iniwan ang isang sasakyan.

Sa ngayon ay iniutos na ni P/Sr. Supt Jessie Cardona, hepe ng Pasig City police sa kanyang mga tauhan ang pagsasagawa ng follow-up operation upang makilala at maaresto ang mga suspect.

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang mga awtoridad sa Land Transportation Office (LTO) para mabatid kung sino ang magmamay-ari ng dalawang sasakyan ng mga suspect.

vuukle comment

HONDA CIVIC

ISANG

JOMAR DIAZ

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MERALCO AVE

METRO MANILA DEVELOPMENT

NO PARKING ZONE

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

RIZAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with