Pulis, 1 pa sugatan sa pamamaril

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang may ma­tinding atraso kaya pinagbabaril at nasugatan ang isang pulis at kasama ng mga ’di-pa kilalang lalaki sa bahagi ng Brgy. Baclaran, Parañaque City kahapon ng tanghali.

Kasalukuyang ginagamot sa San Juan de Dios Hospital sina SPO2 Rodolfo Marcelo Lorilla ng Parañaque City PNP at Ronald Esguerra Marcela.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation  ang pu­lisya laban sa tatlong suspek kung saan nakilala ang isa na si Alfredo Rodriguez.

Sa naantalang ulat ng pulisya, naganap ang pa­ma­maril dakong alas-12 ng tanghali sa bisinidad ng Bagong Pag-asa sa nabanggit na barangay.

Lumilitaw na ipinarada ng dalawa ang sinasakyang kotse sa nasabing lugar kung saan nilapitan ng tatlong suspek. Dito na kinompronta ng mga suspek ang dalawa hanggang sa maganap ang pamamaril. 

Show comments