^

Metro

Walang pang boundary: Trike driver nagbigti

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dahil sa kawalan ng pang-boundary, winaka­san na ng isang tricycle driver ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Batay sa report ni PO3 Efren Flores, ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), natagpuan ang bangkay ni Edwin Silbano,  35, ng Parola Compound, Tondo, Maynila sa loob ng isang CR ng isang karinderya sa Tondo.

Ayon kay Elizabeth Ja­vier, may-ari ng karin­derya, nagulat na lang siya nang pagpasok sa CR ay makitang nakabigti doon ang biktima gamit ang isang kulay dilaw na nylon cord.

Aniya, regular niyang kostumer ang biktima, na driver din ng kaniyang tricycle na pinapa-boundary.

Malimit din aniya itong lasing at minsan ay nasa impluwensiya pa ng droga, kaya’t madalas ding hindi nakakabayad ng boundary sa tricycle.

Naniniwala naman ang mga awtoridad na matin­ding problema sa buhay ang posibleng dahilan kung bakit nagpakamatay ang biktima.

vuukle comment

ANIYA

AYON

EDWIN SILBANO

EFREN FLORES

ELIZABETH JA

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PAROLA COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with