^

Metro

Binata patay sa inagaw na paputok

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na lalaki na nangunguha ng pa­putok ang pinatay ng kanyang ka­pitbahay noong Biyer­nes ng gabi sa Sta Ana, Maynila­.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Rodel Rodriguez, ng no. 1858 Oro B St. Sta Ana. Maynila sanhi ng saksak sa katawan.

Kalaboso naman ang suspect na si Henry Villarin, 33, binata, kapitbahay ng biktima at miyembro ng Bahala na Gang (BNG).

Sa ulat ni PO3 Efren Flores ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa Oro B St. Sta Ana, Maynila.

Nabatid na makaila­ng ulit na naghagis ng paputok ang suspect na tinatapakan at pinapatay naman ng biktima at saka pupulutin at sisindihan.

Bunga nito, napikon ang suspect na nauwi sa pagtatalo hanggang mag­labas ng patalim ang suspect at pagsasaksakin ang biktima.

vuukle comment

BAHALA

BIYER

BUNGA

EFREN FLORES

HENRY VILLARIN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

ORO B ST. STA ANA

RODEL RODRIGUEZ

STA ANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with