^

Metro

2 lola na 'Salisi' tugis ng pulisya

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines –  Kung dati ay mga ka­bataan ang sangkot sa sindikato ng Salisi Gang, ngayon ay dalawang lola ang pinaghahanap ng Quezon City Police matapos na mambiktima ng isang dentista sa isang fastfood chain sa lungsod.

Dumulog sa QCPD-Station 10 si Dr. Angelina Ricafrente-Szabo, 71, may-asawa, dentista ng # 118-B, Scout Castor, Sacred Heart, Quezon City kung saan sinabi nito na dalawang matandang babae na nasa edad na 50-60 ang tumangay ng kanyang bag na nag­lalaman ng alahas, US passport, P4,000 cash, eye glass at iba pang dokumento.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nangyari ang insi­dente sa isang pizza house sa Tomas Morato, corner Scout Rallos, Brgy. Sacred Heart ganap na alas-12:05 ng hapon.

Ayon sa biktima, kasama niyang kumakain sa lugar ang dalawang kaibigan at kapatid nang pumasok umano ang dalawang may edad na babae.

Dahil abala sa pagkain, sinamantala ng mga suspect ang pagkuha sa bag ng biktima ng hindi namalayan nito.

Kaya naman huli na nang mabatid ng biktima na nawawala ang kanyang gamit pagkatapos na mawala ang nasabing mga suspect.

Ayon kay Supt. Cons­tante Agpaoa, hepe ng PS10, posibleng bihasa na ang mga suspect sa kanilang ginagawa at nagagawa nila ito dahil hindi naman sila maaring pagkamalan bunga ng kanilang katandaan.

Gayunman, maglalagay umano siya ng tauhang iikot sa mga fastfood chain upang mahuli ang mga ito at magawan ng aksyon, kasabay ng babala sa publiko na ingatan ang kanilang gamit sa sandaling pumasok sa nasabing mga kainan.

vuukle comment

AYON

DR. ANGELINA RICAFRENTE-SZABO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

SACRED HEART

SALISI GANG

SCOUT CASTOR

SCOUT RALLOS

TOMAS MORATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with