^

Metro

2 miyembro ng 'Dura-dura gang', timbog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines -  Tuluyan nang napasakamay ng Quezon City Police (QCPD) ang dalawang miyembro ng “Dura-Dura gang” kabilang ang isang babae na nagtangka pang suhulan ang awtoridad para makalibre sa pag-aresto, ayon sa pulisya kahapon.

Nakilala ang mga suspect na sina Johnrey Baltazar, 27; at Lisa de Jesus, 46, kapwa residente sa Floodway, Taytay Rizal.

Sa ulat, unang nadakip ng mga operatiba ang suspect na si Baltazar makaraang biktimahin ng grupo nito sina Sherryl Mundo, 29, negosyante; at Glenda Lou Toranno, 20, habang sakay ng isang pampasaherong jeepney sa may Kahabaan ng Quezon Avenue ganap na ala-1:20 ng hapon.

Ang modus, sinabihan ng mga suspect ang dalawa na may dura ang kanilang mga balikat at nang punasan ng mga huli ay saka sinimulang dukutin ang kanilang gamit sa bag.

Napuna ito ng mga biktima sanhi upang magpasya silang bumaba, pero hinarang ng mga suspect at para hindi maka­gawa ng komosyon ay pinaghahawakan ng mga suspect ang maselang parte ng katawan ng mga una.

Ngunit nagpumiglas ang mga biktima hanggang sa makatalon ang mga ito sa jeepney, tiyempo namang nagpa­patrulya ang mga MMDA personal sa lugar at nakita sila at sinaklolohan hanggang sa habulin ang mga suspect at ma­dakip si Baltazar.

Samantala sa presinto habang nakapiit sa Baltazar ay nagpunta dito si De Jesus at tinangkang suhulan ng pera ang mga operatiba dahilan upang ito ay arestuhin.

Kapwa nakapiit ngayon ang mga suspect sa nasabing himpilan.

vuukle comment

BALTAZAR

DE JESUS

GLENDA LOU TORANNO

JOHNREY BALTAZAR

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY POLICE

SHERRYL MUNDO

SUSPECT

TAYTAY RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with