^

Metro

Iniligtas ang apo, Lola todas sa rumaragasang bus

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang 65-anyos na lola nang masaga­saan ng rumaragasang pampa­saherong bus, habang iniha­hatid sa pagpasok sa eskwe­lahan ang kaniyang 11-anyos na apo, sa Dimasalang St., Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Cresencia Lopez, residente ng no. 1319 Cristobal St., na agad na binawian ng buhay dahil sa matinding pinsalang tinamo sa kaniyang ulo, nang mabangga ng Miyami Bus (PXT-837).

Nabatid na isinalba ng lola ang kaniyang apong si Marlon Caranto, na kamuntik nang ma­bangga ng nasabing bus. Iti­nulak niya ito, segundo lamang bago siya  mabangga.

Hawak pa umano ng biktima ang bag ng apo, nang naka­bulagta na siyang lapitan ng mga nakasaksi, ayon kay PO3 Rizalino Intal ng Manila Police District-Traffic Bureau.

Mabilis na tumakas ang driver nang paharurutin pa ang bus matapos ang insidente habang ang konduktor na si Willy Boy Caylo naman ang inim­bestigahan matapos harangin at kuyugin ng taumbayan.

Naganap ang insidente sa panulukan ng Dimasalang at Quiroga Sts., sa Sampaloc, Maynila dakong alas-5:30 ng umaga, kahapon.

Patungo umano sa Sumu­long Elementary School ang mag-lola nang tumawid at na­bangga ng bus, na noo’y pumi-pick-up pa ng pasahero at naka­hinto, subalit biglang humarurot at nabangga ang biktima.

Tumanggi ang konduktor na ibigay ang pangalan ng driver na tumakas  dahil hindi umano niya ito kilala at bago pa lamang siya sa trabaho.

Samantala, matinding galit naman ang nadama ng pamilya ng biktima nang may magsabi sa kanila na matapos umanong ma­bangga ang matanda ay inatra­san pa umano, na mistu­lang tinuluyang patayin na lamang.

Plano ding isailalim sa trauma therapy ang apo ng biktima na hindi umano matang­gap na nasaksihan ang pagka­matay ng lola.

vuukle comment

CRESENCIA LOPEZ

CRISTOBAL ST.

DIMASALANG ST.

ELEMENTARY SCHOOL

MANILA POLICE DISTRICT-TRAFFIC BUREAU

MARLON CARANTO

MAYNILA

MIYAMI BUS

NANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with