Manikurista tinodas

MANILA, Philippines - Isang babae na ipinalalagay na isang manikurista ang binaril at napatay ng hindi nakilalang salarin sa harapan ng mosque ng Muslim sa Quiapo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Agad na nalagutan ng hininga dahil sa tinamong tama ng bala sa noo at kaliwang pisngi ang bikti­mang si Fe Balagtas ng 1059 P. Paredes St., Sampaloc, Manila.

Sa ulat ni Det. Lester Evangelista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:05 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Elizondo cor. Globo De Oro Streets, Quiapo.

Bigo ang pulisya na matukoy ang salarin dahil nanahimik ang mga residente at walang ni isa mang saksi ang lumantad.

 Nakuha ang dala-dalang mga gamit sa bag ng biktima na pawang gamit sa pagma-manicure kaya posibleng isa itong manicurista subalit may natag­puan din sa kaniyang aluminum foil na karaniwang gamit sa pagsinghot ng shabu. Duda ang mga awtoridad na may kinalaman din sa iligal na droga ang motibo ng pamamaslang. 

Show comments