Ex-WPD men sinisi sa Mendiola massacre

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Peo­ple’s Movement Against Poverty Secretary General Ronald Lumbao na dapat sisihin at panagutin ang mga matataas na opisyal ng Western Police District na nanunungkulan pa nang maganap ang Men­diola massacre noong Enero 22, 1987.

Ginawa ni Lumbao ang panawagan bilang pakiki­isa sa pamilya ng 13 mag­sasakang nasawi at ng iba pang nasugatan sa pama­maril na naganap sa isan g rally sa Mendiola (Don Chino Roces Bridge nga­yon) malapit sa Malaca­ñang kaugnay ng pag­gunita sa naturang ma­saker kahapon.

Sinabi ni Lumbao na nara­rapat lamang ng mga biktima ang hustisya.

Kailangan anyang ha­bulin at sisihin ang mga opisyal ng WPD (Manila Po­lice District ngayon) nang panahong iyon.

Magugunitang ma­tapos ang naturang tra­hedya ay binuo ng yu­maong dating Pangulong Corazon Cojuangco-Aqui­no ang Citizens’ Mendiola Com­mission.

At sa naturang im­ bes­ti­­gasyon, inireko­men­da ng CMC ang pag­sam­pa ng P6.5 Million da­mage suit laban sa ilang opisyal ng pulisya at militar.

Show comments