^

Metro

Taxi driver utas sa pasahero

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Isang 54 -anyos na driver  ang natagpuang  patay sa loob ng kanyang minamanehong taxi kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Carlito Roncales, ng 19 Kingfisher Alley, Brgy. Batasan Hills Quezon City. Ayon kay Chief Insp. Benjamin Elenzano Jr, hepe ng QC Police Homicide Divi­sion, natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng King of the Night taxi (TXL 457) na puting Vios dakong alas-3:10 ng umaga habang nakahimpil sa may 12th Avenue sa kanto ng Serrano Avenue, Brgy. Socorro ng lunsod.

Ayon kay Richard Estrada   na habang siya ay umiinom sa loob ng Gringo Bar and Resto sa nasabing lugar ay nakarinig siya ng putok ng baril kaya’t nang siya ay lumabas para ting­nan ito ay  nakakita siya ng mga lalaking galing sa taxi na   nakasuot lamang ng sando at blue t-shirt.

Hinala ng pulisya na baka pasahero ng biktima ang mga suspek at nag -away ang mga ito. Isinantabi ang anggulo ng holdap dahil sa intact ang pera at gamit ng biktima.

Gayunman, patuloy pa rin ang masusing pagsisiyasat sa kaso at ang pagkilala at pagtugis sa mga salarin.

vuukle comment

AYON

BATASAN HILLS QUEZON CITY

BENJAMIN ELENZANO JR

BRGY

CARLITO RONCALES

CHIEF INSP

GRINGO BAR AND RESTO

KING OF THE NIGHT

KINGFISHER ALLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with