^

Metro

Mister todas sa motorsiklo

-

MANILA, Philippines - Isang 58 -anyos na mister ang nasawi matapos na ma­bundol ng rumaragasang mo­tor­siklo habang siya ay papa­tawid sa may Araneta Avenue sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Conrado Tuldog, vendor ng # 57 BMA St., sa lungsod.

Habang sugatan din ang driver ng nakabanggang motor­siklo na si Orven Viajar, 29, empleyado ng Isla Puting Bato, Tondo Manila na nilala­patan ng lunas sa Philippine Orthopedic Center.

Ayon kay SPO2 Felix S. Baxinela, ng traffic sector 4 ng Quezon City Police, nangyari ang insidente sa may Araneta Avenue, at Banawe St., ganap na alas- 4 ng madaling araw.

Sinasabing sakay ng kan­yang motorsiklo (2918-TA) ang suspek at tinatahak ang naturang lugar nang pagsapit sa Banawe St., ay biglang na­bundol nito ang biktima na noon ay papatawid naman sa lugar.

Sa lakas ng pagkaka­bangga ay kapwa tumilapon ang dalawa hanggang sa itakbo sila sa JRMMC para lapatan ng lunas kung saan nasawi ang biktima, habang inilipat naman sa Orthopedic ang suspek.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang kinakaharap ngayon ni Viajar na nagpapagaling pa rin sa kan­yang sugat. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ARANETA AVENUE

BANAWE ST.

CONRADO TULDOG

FELIX S

ISLA PUTING BATO

ORVEN VIAJAR

PHILIPPINE ORTHOPEDIC CENTER

QUEZON CITY POLICE

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with