^

80-anyos na lola kritikal sa helper

() - January 5, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondis­yon ang isang 80-anyos na lola makaraang paluin ng matigas na bagay sa ulo ng helper nito sa loob ng ka­nilang bahay, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Isinasailalim ngayon sa obserbasyon sa pagamutan dahil sa tinamong sugat sa ulo at katawan ang bikti­mang si Lucila Salonga, bi­yuda, ng F. Antonio St., Brgy. Bam­bang, ng naturang lungsod.

Nakilala naman ang pi­nag­hahanap na suspek na si Joel Cabunag, stay-in helper sa naturang bahay.

Sa isinagawang imbesti­gasyon ni PO3 Harold Man­gaoil, may hawak ng kaso, sinabi ni Cecilia Santos , 54, may-asawa, anak ng bik­tima, na natagpuan niya ang duguang katawan ng ina dakong alas-9 ng gabi sa loob ng bahay nito.

Nauna umanong nagha­handa sila sa pagbubukas ng kanilang ice cream store dakong alas-7 ng gabi ngunit iniwan niya ang ina at si Cabunag upang magsimba. Nang bumalik, kinabahan siya nang makitang sarado ang ilaw sa bahay ng ina na katabi lamang ng kanilang sariling bahay.

Nang mag-usyuso, dito niya nakita ang ina na dugu­ang nakahandusay at wala na ang kanilang boy na si Ca­bunag. Patuloy pa ring iniim­besti­gahan ng pulisya ang insidente kung saan ina­alam kung may nawalang maha­lagang bagay sa loob ng bahay dahil sa teoryang pagnanakaw ang motibo ng krimen. (Danilo Garcia)

ANTONIO ST. BAHAY CECILIA SANTOS DANILO GARCIA HAROLD MAN JOEL CABUNAG LUCILA SALONGA NANG PASIG CITY SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with