Masaganang Buhay, tinanghal na ‘child-friendly TV program’
MANILA, Philippines — Ginawaran ng National Council for Children’s Television (NCCT) ang programang Masaganang Buhay bilang “Child-Friendly Television Program” Award dahil sa paghahatid ng “safe, educational, age-appropriate, and values-oriented” na programa sa bansa.
Ang NCCT ay attached agency ng Department of Education (DepEd) ay nagsabing ang Masaganang Buhay ay napapanahong programa na nagtuturo ng Practical tips in Gardening, Farming and Sustainable Living. Mapapanood ang Masaganang Buhay, hosted by Mer Layson sa OnePH, Cignal TV, Channel 1 at RPTV ng TV-5, napapanood din ng live sa Youtube at Facebook.
Ayon kay Mer Layson “To God be the Glory” ang papuri at parangal ay kanyang ibinabalik sa Panginoon.
Malugod na nagpapasalamat si Layson sa kanyang pamilya at sa lahat ng bumubuo ng Masaganang Buhay sa pangunguna ni Director Bing Cregencia, Icy Padua,Winona Sadia, Lalaine Rebuta, Jinson Ilmeng Batersal Manzano, Chap Suey, Jay-ar Tenorio, Xhy Loreto-Gallardo, Jastine Ronquillo at sa lahat ng staff ng Masaganang Buhay. Nagpapasalamat din si Layson sa management ng OnePh Cignal TV at RPTV ng TV5. Nagpapasalamat din si Layson sa lahat ng followers, advertisers at sumusuporta sa kanilang programa.
Si Layson ay isang magsasaka sa Mexico, Pampanga, nag-self support student, naging reporter ng Pang Masa (PM), kolumnista ng Pilipino Star Ngayon (PSN) at TV Host pero ang kanyang adbokasiya na isulong ang “Organic Farming” ay nanatili saan man siya dalhin ng tadhana.
- Latest

















