^

Metro

Re­tiradong judge kapalit ni BF sa MMDA

-

MANILA, Philippines - Itinalaga ni Pangu­long Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong Metro Manila Develop­ment Authority (MMDA) chairman ang isang re­tiradong hukom bilang kapalit ni Bayani Fer­ nando na tatakbong presidente sa 2010 elections.

Ayon kay Press Sec­retary Cerge Remonde, nagbitiw noong Biyernes si MMDA chairman Fer­nando at nagpaalam na ito kay Pangulong Arroyo.

Ang napili ni Mrs. Arroyo na magiging ka­palit ni Fernando sa MMDA ay si retired Judge Oscar Inocentes.

Si Inocentes ay nag­silbing hukom sa Que­zon City at huma­wak ng rape case ni Maggie dela Riva. Magi­ging epektibo ang pag-upo ni Inocen­tes sa MMDA sa Dis­yembre 1.

Nagsilbi si Inocentes bilang undersecretary for Political Coalition Affairs sa ilalim ng Office of the President.

Tumanggap siya ng presidential award mula kay dating Pangulong Dios­dado Macapagal dahil sa tagumpay ng prosekusyon laban sa “Big 4 Gang” at binigyan din siya ng presidential award ni dating Pangu­long Marcos sa pag-convict sa mga guma­hasa kay Maggie dela Riva. (Rudy Andal)

vuukle comment

BAYANI FER

CERGE REMONDE

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JUDGE OSCAR INOCENTES

METRO MANILA DEVELOP

MRS. ARROYO

OFFICE OF THE PRESIDENT

PANGU

PANGULONG ARROYO

PANGULONG DIOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with