^

Metro

Dahil lamang sa away sa trapiko, anak ng Malacañang official, pinatay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Simpleng away trapiko lamang ang ugat upang pagbabarilin at mapatay ng isang hindi nakikilalang salarin ang anak ng ma­taas na opisyal ng Mala­kan­yang sa lungsod Que­zon kamakalawa ng gabi.

Walang buhay na na­ka­yuko sa driver’s seat ng kanyang sinasakyang Toyota Land Cruiser (RET-565) dahil sa tina­ mong tama ng bala sa dibdib at tagiliran nang abutan ng mga rumes­pondeng awto­ri­dad ang biktimang si Renato Ebarle Jr., 27, re­cruitment officer sa Manila Penin­sula, at residente ng New Manila sa lungsod. Si Ebarle ay anak umano ni Presidential Chief of Staff Usec. Renato Ebarle Sr.

Ayon sa pulisya, sinisi­mulan na nila ang pagsi­siyasat para matukoy ang salarin na isinalarawan sa taas na 5’8’’, anyong da­yu­han, may tattoo sa kanang kamay at sakay ng isang diplomat blue wagon na may plakang 20903.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, nangyari ang pa­ma­maril sa kahabaan ng Boni Avenue (dating San­to­lan Road), corner Beni­tez Road, Brgy. Valencia sa lungsod pasado alas-11 ng gabi.

Sinasabing sakay ng kanyang Toyota Land Cruiser (RET-565) na may secretary plate sa harap na “12 OPCS” ang biktima nang makagitgitan umano nito ang isang blue wagon na diplomatic car sa na­sabing lugar.

Ayon kay SPO2 Edgar Tiodin ng Highway Patrol Group sa Camp Crame, nagmamaneho siya ng kanyang Isuzu Crosswind sa kahabaan ng Santolan Road nang makita niya ang nasabing mga sasak­yan na nagkaroon ng prob­lema sa trapiko.

Pagsapit umano sa Boni Serrano malapit sa Ortigas Avenue, hinarang ng blue wagon ang sina­sak­yan ng biktima, saka bumaba ang driver ng wagon bitbit ang kalibre .45 baril at pinagbabaril ang huli na agad na ikina­matay nito.

Matapos ang pama­maril, agad na sumakay ang suspek sa kanyang sasakyan at mabilis na pinaharurot ito patungong San Juan. Tinangka pang habulin ni Tiodin ang sus­pek ngunit nabigo siyang maabutan ito.

Samantala, bago ang insidente, inihatid muna ng biktima ang kanyang girl­friend na si Kristine Abas sa bahay nito sa MOQ9, AFPLS quarters na mata­tagpuan sa loob ng Camp Aguinaldo sa lungsod, kung kaya laking gulat nito nang mabalitaan ang pang­yayari.

vuukle comment

AYON

BONI AVENUE

BONI SERRANO

CAMP AGUINALDO

CAMP CRAME

EDGAR TIODIN

HIGHWAY PATROL GROUP

ISUZU CROSSWIND

KRISTINE ABAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with