^

Metro

Umiwas sa aresto, hulog mula 4th floor, lasog

-

MANILA, Philippines - Dahil umano sa pag-iwas na maaresto ng mga pulis, nahulog mula sa ika-4 na palapag ng isang gusali ang isang 27-anyos na lalaki na iki­nasawi nito, sa Sampa­loc, Maynila, kamakala­wa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Jonathan Ganuelas, part-time mechanic at re­sidente ng M. dela Fuen­te St., Sampaloc, Maynila.

Ayon sa ulat, dakong alas-3 ng hapon nang maganap ang insidente sa “301 Del Mundo Man­sion”, na matatagpuan sa #1916 Calamba St., Sampaloc.

Nabatid na nagsa­gawa ng drug operation ang pulisya sa lugar ma­tapos makatanggap   ng impormasyon na may nagaganap na ‘ratra­tan’ ng droga o pot ses­sion doon.

Nang dumating ang mga pulis ay mabilis na nagsipanakbuhan ang mga nagdo-droga.

Nang akyatin ng mga operatiba ang gusali ay nadatnan ang dalawang lalaki kabilang ang bik­tima, na nakaupo sa bilog na mesa habang may hawak na paraphernalias sa pagsinghot ng shabu.

Habang ang tuma­takas na si Ganuelas ay sa 4th floor nais magtago at nagdaan sa pama­magitan ng terrace at tu­malon upang makaiwas sa mga tumutugis na pulis. Sinawimpalad itong mahulog na naging dahi­lan ng kanyang kamata­yan. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AYON

CALAMBA ST.

DAHIL

DEL MUNDO MAN

FUEN

JONATHAN GANUELAS

LUDY BERMUDO

MAYNILA

NANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with