^

Metro

Ama tinodas ng kaaway ng anak

-

MANILA, Philippines - Hindi akalain ng isang ama ng tahanan na ang kagus­tuhan niyang mapagkasundo ang isa niyang anak sa naka­away nitong kababata ang magbubunsod sa kanyang ka­matayan makaraang pag­sa­­saksakin ito ng pinsan ng huli sa lungsod ng Quezon, iniulat kahapon.

Si Alberto Famitangco, 58-anyos, may-asawa, karpintero ng Brgy. San Agustin, Nova­liches ay binawian ng buhay habang ginagamot sa No­valiches Hos­pital bunga ng mga tama ng saksak sa ka­tawan.

Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Melvin Ogriman, 24, em­pleyado sa restaurant at re­sidente sa Amparo Sub­di­vision, Lagro sa Quezon City.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente sa may Fidel St., corner Pedro St., Brgy. San Agustin, Nova sa lungsod ganap na alas 6 ng gabi.

Nauna rito, ang anak ng bik­tima na si John Adams ay nakaalitan ang isang alyas Tato makaraang pagsabi­han ng una ang huli ng ma­anghang na salita.

Sa galit ni Tato ay nag­pasya itong magsumbong kay Ogriman habang si John Adams naman ay nagpunta sa kanyang ama. Dahil mag­kakapitbahay, nag­pasya ang biktima na puntahan si Tato kasama ang anak para iayos ang problema ng dalawa.

Ngunit habang naglalakad patungo sa bahay ni Tato ay sinalubong ang mga ito ng sus­pek at inundayan ng sak­sak ang biktima.

Tinangka naman tumulong ng anak, ngunit maging ito ay tinangkang saksakin at ma­suwerte na lang at nakatakbo ito papalayo at nakahingi ng tulong sa mga kapitbahay. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AMPARO SUB

BRGY

FIDEL ST.

JOHN ADAMS

MELVIN OGRIMAN

PEDRO ST.

QUEZON CITY

SAN AGUSTIN

SHY

TATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with