Muslim employees ng Quezon City hall, pinayagang mag-flexi time ni 'SB'
MANILA, Philippines - Pinayagan ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte na mag-flexi time schedule ang mga Muslim na nagtatrabaho sa QC hall upang bigyang pagkakataon ang mga itong gunitain ang isang buwang pagdaraos ng Ramadam.
Sa ipinalabas na memorandum circular ni Belmonte, nakasaad dito na ang flexi-time schedule sa mga Muslim employees ay mula alas-7:30 ng umaga hanggang alas-3:30 p.m. na walang noon break.
Ang naturang schedule ay tatagal hanggang Setyembre 20. Sa ngayon, may 42 Muslims na nagtatrabaho sa QC Hall na karamihan sa mga ito ay mga guro sa Madrasah school system.
Sa kasalukuyan, mayroon 33 Muslim communities sa Quezon City. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending