^

Metro

Pader gumuho, electrician patay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang electrician ang na­sawi, habang tatlong kasa­mahan nito ang na­sugatan ma­karaang mada­ganan nang gumuhong pa­der sa isang construction site na kanilang pinag­ta­trabahuan, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa Pa­say City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Rafael Ra­padas-Jardin, 51, taga Biñan, Laguna.

Samantala, nilalapatan pa ng lunas sa nabanggit na pa­gamutan ang kan­yang mga kasamahang sina Mel Baran­toza; Mi­chael Francisco at Rey­naldo Sison.

Sa imbestigasyon ng ­Pa­say City Police, naga­nap ang insidente dakong alas-7:20 ng umaga sa Parca Building Construction Site, na ang kontraktor ay ang Ali Builders, malapit sa Cuneta Elementary School na mata­tagpuan sa Park Avenue Ext., ng na­banggit na lungsod.

Nabatid na habang gu­ma­gawa ang mga biktima sa nabanggit na construction site at maaaring dahil sa lakas ng vibration ng jack hammer na kanilang ginagamit ay doon na   big­lang gumuho ang pa­der dito kung saan nadaganan si Jardin na hindi na na­isalba ang buhay.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang nabanggit na insi­dente.

vuukle comment

ALI BUILDERS

CITY GENERAL HOSPITAL

CITY POLICE

CONSTRUCTION SITE

CUNETA ELEMENTARY SCHOOL

MEL BARAN

PARCA BUILDING

PARK AVENUE EXT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with