^

Metro

Mag-amo patay sa sunog

-

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang amo at ang katulong ma­ karaang maipit sa loob ng nagliliyab na bahay habang tinatangka ng mga ito na buhusan ng tubig ang apoy, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Edmund Velasquez, 25 at ang kasambahay na si Gabriela Hayag, 50, ng #24 Manuel L. Quezon Street, Brgy. Parang, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Marikina Fire Department, dakong alas-4:10 ng madaling-araw nang sumiklab ang apoy sa bahay ng mag-amo.

Agad namang nagising ang natu­tulog na pamilya kung saan tinangka pa ng mga ito na apulain ang apoy sa pamamagitan ng fire extinguisher at tubig. Nang lumaki ang apoy, tumakas na papalabas ng bahay ang tatlong miyembro ng pamilya ngunit naipit sa loob sina Velasquez at Hayag.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng pamatay-sunog at nagawang maapula ang apoy dakong alas-6:03 ng umaga.

Ayon sa nakaligtas na si Precy Gega, si Hayag pa umano ang unang nakadiskubre sa apoy at siya ring gumising sa kanila sa pamamagitan ng pagsigaw nito.

Natagpuan ang bangkay ni Hayag sa isa sa mga kuwarto habang nakita naman si Velasquez sa may kusina. Maaari umanong papalabas na rin ng bahay si Velasquez na posibleng nabagsakan ng nasusunog na bahagi ng bahay.

Sa inisyal na pagsisiyasat, sinasabing nagmula ang apoy sa “loose electrical connection” sa ikalawang palapag ng bahay. Sinasabing higit sa 20 taon na ang naturang bahay at maaaring hindi naiinspeksyon ang koneksyon ng kuryente nito. (Danilo Garcia)


vuukle comment

APOY

BAHAY

DANILO GARCIA

EDMUND VELASQUEZ

GABRIELA HAYAG

HAYAG

MANUEL L

MARIKINA CITY

MARIKINA FIRE DEPARTMENT

VELASQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with