^

Metro

Kelot pisak ang ulo habang natutulog

-

MANILA, Philippines – Pisak ang ulo ng isang 33-anyos na lalaki nang madaanan ng gulong habang natutulog sa ilalim ng nakaparadang truck, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Ferdinand Castro, residente ng Baseco Compound, Tondo.

Arestado naman ang driver na si Rene Villanueva, 37, ng Nemesis­ trucking at residente ng Baler St, Paco, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:05 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng Perez at Benites Sts., Tondo.

Nabatid na nakagawian ng mga tambay o residente sa nasabing lugar na matulog sa ilalim ng mga nakaparadang truck  at isa si Castro na natulog umano sa ilalim ng truck na may plakang TXA- 682. Sinabi pa na may sampung oras kung iparada ang mga truck sa lugar habang hinihintay ang mga kargamento Nabatid na ang ulo ni Castro ang nakapuwesto sa tapat ng mismong gulong ng truck na hindi umano tiningnan muna ng driver kung may natutulog bago paandarin.

Hindi umano namalayan ng driver na nakasagasa siya dahil nakarating na ang truck na minamaneho nito sa hauling area sa  Pier na hindi nito alam na nakasagasa siya.

Nabigla umano ang suspek nang sundan siya doon upang arestuhin. Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isasampa laban sa suspek. (Ludy Bermudo)


vuukle comment

ARESTADO

BALER ST

BASECO COMPOUND

BENITES STS

FERDINAND CASTRO

KASONG

LUDY BERMUDO

MAYNILA

NABATID

RENE VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with