^

Metro

Trader hinostage, sinaksak ang sarili

-

MANILA, Philippines - Dahil hindi matanggap na iwan ng asawa, isang negosyante ang nawala sa katinuan at nagkulong sa sarili nitong bahay saka nagsaksak sa sarili para ta­pusin ang kanyang buhay sa harap ng mga sumak­lolong awtoridad sa lung­sod ng Marikina ka­hapon ng madaling-araw.

Nagtamo ng mga sak­sak sa dibdib at tiyan at ngayon ay inoobserbahan sa Amang Rodriguez Me­dical center ang biktimang si Ridgin Ong, 34, ng Ca­rayong corner Dragon St., Midtown Subd., San Roque, Marikina City.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente ga­nap na alas-12 ng mada­ling-araw makaraang ma­ka­tanggap ng tawag ang tropa ng pulisya kaugnay sa umano’y pangho-hos­tage ng biktima sa kan­yang sarili matapos mag­kulong sa loob ng kanyang bahay.

Agad na rumesponde ang mobile patrol unit sa pamumuno ni PO1 Ronnel Agsawa at nakipag-nego­sasyon sa biktima na lu­mabas upang ayusin ang kanyang problema.

Tumagal ng halos 30 minuto ang negosasyon at makalipas nito ay lumabas ang biktima na may bitbit na patalim. Bago pa man makalapit ang mga awto­ridad ay biglang inatake ng biktima ang mobile patrol at tinangkang saksakin si Agsawa na nasa driver’s seat nito ngunit dahil naka­sara ang bintana ng sa­sakyan ay nabigo ito.

Sa galit ng biktima ay pi­naghahampas na la­mang ng patalim ang sala­min ng mobile hanggang sa mabasag saka tumi­haya dito at pinagsasaksak naman ang kanyang sarili.

Agad namang sinaklo­lohan ng mga awtoridad ang biktima, at itinakbo ito sa nasabing ospital kung saan ito ngayon inoobser­bahan. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AGSAWA

AMANG RODRIGUEZ ME

DRAGON ST.

MARIKINA CITY

MIDTOWN SUBD

RICKY TULIPAT

RIDGIN ONG

RONNEL AGSAWA

SAN ROQUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with