Street party natigmak ng dugo

Dumanak ang dugo sa isang street party matapos pagsasaksakin ang isa sa mga kalahok ng isa ring ka­lahok kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Kaagad na isinugod sa Rizal Medical Center at ka­sa­lukuyan pang inoobser­bahan sanhi ng isang tama ng sak­sak sa katawan ang biktimang si Christopher Nieva, nasa hus­tong gu­lang ng Lower Bicutan.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga pulis laban sa suspek na na­kilala lamang sa pa­ngalang Regidor Valdemar.

Masayang idinaraos ng mga residente ng Lower Bicu­tan sa Dandan St. ang isang street party bilang tradisyon sa pagsalubong nila sa Bagong Taon.

Habang masayang nag­sa­saya sa saliw ng ma­sayang tugtugin, nagka­bung­­guan sina Nieva at Valdemar na kapwa ka­lahok at inakala ng suspek na sinasadya ng biktima.

 Nagkasagutan muna ang dalawa hanggang sa bumu­not ng patalim ang suspek at kaagad inun­dayan ang bik­tima bago mabilis na tumakas. (Lor­deth Bonilla)

Show comments