'Firecracker zones' sa lahat ng bayan, lungsod inutos ng DILG

Ipinag-utos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ro­naldo Puno sa lahat ng mga gober­na­dor, al­kalde at punong baran­gay na magtatag ng sarili nilang “firecracker zones” upang maiwa­san ang pagtaas ng bilang ng mga aksi­dente sa paputok nga­yong darating na Bagong Taon.

Pinaalala ni Secretary Ronaldo Puno ang direk­tiba sa pagpa­patupad ng Republic Act no. 7183 na nagsa­saad ng regulas­yon sa pagbebenta, pro­duk­­syon, distribusyon at paggamit ng mga pa­putok at paglalagay ng mga ‘firecracker zones’ sa lahat ng ‘local government units (LGUs)’.

Sa pagkakaroon ng ‘firecracker zones’, dito maaaring magpaputok ang publiko sa pagsa­lu­bong sa Bagong Taon. Bukod sa mas ligtas, ma­iiwasan rin ang pagkaka­roon ng sunog na taun-taong nangyayari.     

Pinaalala ni Puno sa lahat ng mga al­kalde na tiyakin na na­kahanda ang lokal na pulisya sa ka­nilang lugar para pro­tek­­syu­nan ang pub­liko kung saan dapat naka­handa ang mga ito sa pagba­bantay laban sa pag­gamit ng mga iligal na paputok, at maging alerto sa posibleng banta ng terorismo.

Iginiit din ng DILG sa mga lokal na pama­ha­laan ang agad na pagli­linis ng kanilang mga na­sasa­ kupan upang ma­iwasan ang karamihan ng mga ak­sidenteng na­gaga­nap dahil sa pag­dam­pot ng mga bata sa mga hindi sumabog na mga papu­tok na buhay pa pala ang mitsa. (Danilo Garcia)

Show comments