3 opisyal ng NPA, tiklo

Bumagsak sa mga ope­­­­ra­tiba ng pulisya ang tat­long top ranking officials ng New Peo­ple’s Army (NPA)   sa isinagawang ope­ras­yon sa lalawigan ng Abra, ayon sa Philip­pine Na­­tional Police (PNP) ka­hapon.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame, iniharap nina PNP Chief Di­­rector General Jesus Ver­zosa at Police Re­gional Office ( PRO) 1 Di­rector Chief Supt. Luizo Ticman sina Edgardo Molina, alyas Ka Dong/Bobby, Com­mand­ing officer; Ed­win Ba­la­wag, alyas Ka Bagyan, Exe­cutive Offi­cer; at Rose­marie Domingo, alyas ka Ramses, Medical Officer.

Ayon kay Verzosa, ang mga ito ay pawang mga opisyal ng Kilusang Lara­ngang Gerilya (KLG) ng NPA sa Northern Luzon kung saan si Molina ay may P1-M reward.

Inaresto ang mga ito sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder at multiple frustrated mur­der kung saan nila co-accused si Jose Maria Sison, founder ng Com­munist Party of the Phi­lip­pines (CPP).

Pa­tu­loy na­mang isi­na­sa­­ilalim sa ma­susing tac­tical inter­rogation ng pu­lisya ang mga nagsisu­kong PNP top leader. (Joy Cantos)

Show comments