^

Metro

15-anyos na dalagita, nagbigti

-

Maagang tinuldukan ng isang 15-anyos na dalagita ang kanyang buhay nang magbigti ito kahapon ng madaling-araw sa Makati City. Tinangka pang isalba ng kanyang mga magulang ang buhay ng 3rd year high school student ng Bangkal High School na si Angel Gale Labena nang isugod sa Ospital ng Makati subalit hindi na rin siya umabot ng buhay sa naturang pagamutan.

Ayon sa ulat, huling nakita ni Eluminada Labena ang kanyang anak dakong alas-10 ng gabi nang silipin sa loob ng   silid sa tinitirhan nilang bahay sa Gen. Luna St., Brgy. Bangkal at nakita pang nakikipag-usap sa nakaba­batang kapatid.

Dakong ala-1 ng madaling-araw nang magising si Gng. Eluminada nang maramdaman ang dampi ng halik ng kanyang anak sa pisngi kaya’t bumangon siya at muling sinilip ang anak sa silid subalit wala na roon ang dalagita.Kaagad na ginising ng ginang ang asawang si Renato at inutusang hanapin ang anak hanggang sa makitang nakabitin na sa rooftop ng kanilang bahay, gamit ang alambreng sampayan.

Nang tingnan naman ng ginang ang cellular phone ng biktima, nakasaad ang paghingi ng tawad ng dala­gita sa kanyang ginawa na umano’y dahil na rin sa labis na lungkot.

“Siguro, dahil na rin po sa lungkot ko. Gusto ko pong mag-sori dahil naging pasaway me sau nay, sori po talaga. Sana mapatawad ninyo ako. Salamat,” ang naka­saad sa inbox ng cell phone ng dalagita. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANGEL GALE LABENA

AYON

BANGKAL

BANGKAL HIGH SCHOOL

BRGY

ELUMINADA LABENA

LORDETH BONILLA

LUNA ST.

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with