Maglolo niratrat

Patay ang isang 58-anyos na lolo habang agaw-buhay naman  ang kanyang isang ta­ong gulang na apo nang pag­babarilin sila ng dalawang ar­madong kalalakihan kaha­pon ng umaga sa Las Piñas City.

Binawian ng buhay ha­bang isinusugod sa Olivarez General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima na si Manuel Lim, caretaker, ng 02 Phase 5, Manuyo Dos ng nabanggit na  lungsod.

Kasalukuyan namang ino­obserbahan sa intensive care unit ng Las Piñas Doctors Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang apo nito na si Merrielle Ann Lim  ng na­banggit na lugar.

Kasalukuyan namang hina­hanap ng awtoridad ang sus­pek na si Bryan Mendoza, nasa hustong gulang, nanu­nu­­lu­yan sa Samab Mape Phase 5 Manuyo Dos ng natu­rang lungsod at ang kanyang ka­sama na hindi na nabanggit ang pangalan.

Batay sa inisyal na imbes­tigasyon nina SPO1 Aristotle Raquion at PO3 Eduardo Rodaje ng Criminal Investigation Division ng Las Piñas City Police, nasa pagitan ng alas-7:45 ng umaga hanggang alas-8:20 ng umaga kahapon nang mangyari ang nasabing krimen sa tirahan ng pamil­yang Lim sa naturang lugar. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments