P500,000 halaga ng paputok nakumpiska
() - January 1, 2008 - 12:00am

May P500,000 halaga ng mga iligal na paputok ang nakumpiska ng mga tauhan ng Manila Police District sa iba’t ibang bahagi ng lunsod.

Iprinisinta kahapon sa mga mamamahayag ni MPD Officer-In-Charge Senior Supt. Leo Kison ang mga nasabing paputok dakong alas-8 ng umaga sa MPD headquarters.

Si Kison ang pansamanta­lang namamahala sa MPD dahil nagbakasyon sa labas ng bansa si MPD Director Chief Supt. Roberto Rosales.

Ayon kay Kison, nabawa­san ang mga posibleng ma­biktima ng mga paputok sa bansa dahil kung hindi nakum­piska ang mga nasabing pa­putok ay malamang sa ma­rami ang gumamit pa nito at maaksidente.

Umaabot sa 91 kahon na iba’t ibang uri ng paputok na sakay ng tatlong jeep ang kinumpiska ng mga tauhan ng MPD sa mga area ng Divi­soria, Tondo at Binondo sa Maynila.

Tinatayang nagkaka­ha­laga ng P500,000 ang mga nasabing paputok.

Ayon kay Kison,  ang mga na­sabat nilang paputok sa isinagawang sunud-sunod na operasyon hanggang kama­ka­lawa ng gabi, ay pawang mga ilegal o bawal na paputok habang ang iba naman ay ibinebenta nang walang kaukulang permit.

Kabilang sa mga nasabing paputok ay mga plapla, triang­gulo, piccolo, watusi, mga kwitis, bawang, baby rocket at mga PVC boga na ipinag-utos ng Department of Health na ipagbawal dahil sa dami ng mga nabiktima nito noong nakaraang taon.

Ang mga nasabing pa­putok ay itinurn-over na ng mga awtoridad sa Regional Headquarters para sa tamang disposisyon ng mga ito. (Ludy Bermudo at Grace dela Cruz)

AYON DEPARTMENT OF HEALTH DIRECTOR CHIEF SUPT KISON PAPUTOK SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with