^

Metro

Misis binoga, mister nagpatiwakal

- Edwin Balasa -

Muli na namang napatunayan na walang magandang maidudulot ang pagseselos matapos na mabaril ng isang mister ang kanyang asawa bago siya naman ang nagpa­kamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili kama­kalawa ng hapon sa Marikina City.

Kinilala ni Supt. Sotero Ramos Jr., hepe ng Marikina police, ang nasawing suspek na si Joey Cacamando, emple­yado, habang kasalukuyang nasa kritikal na kon­disyon sa pagamutan ang asawa nitong si Evangeline, 33, empleyado ng Marikina City Hall at residente ng #50 Doña Aurora St., Brgy. Parang ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO1 Nelson Cruz, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon nang magtalo ang mag-asawa  sa loob ng kanilang bahay nang makita ng mister na nagbibihis ang kanyang misis at sinabing mayroon umano silang pasok sa OPSS dahil magkakaroon umano ng inspeksyon.

Hindi naman naniwala ang lalaki na humantong sa mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo ay kinuha umano ng suspek ang kanyang baril at binaril ang kanyang misis na tina­maan sa kaliwang bahagi ng ulo.

Sa pag-aakalang napatay niya ito ay nagpakamatay din ito sa pamamagitan ng pagtutok ng sariling baril at iputok sa sentido.

Ang ipinagtataka ng pulisya ay kung bakit nawawala ang baril na ginamit sa krimen na posibleng itinago ng  mga unang taong nakapasok sa loob ng kuwarto ng mag-asawa upang kunan sana ng fingerprint para sa ikalilinaw ng kaso.

AURORA ST.

BRGY

JOEY CACAMANDO

MARIKINA CITY HALL

NELSON CRUZ

SOTERO RAMOS JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with