^

Metro

Apo ni Webb sugatan sa rambol

-

Sugatan ang isang dalaga na nagpakilalang apo ni dating Senador Freddie Webb makara­ang magpasimuno umano ng isang rambol sa loob ng isang disco bar sa Quezon City ka­hapon ng madaling-araw.

Ginagamot ngayon sa East Avenue Medical Center dahil sa tinamong sugat at kalmot sa kata­wan ang 23-anyos na si Joan Webb, ng #3-B71 Gon­zales Street, Mandaluyong City.

Inireklamo naman ito ng kasong physical injuries sa Kamuning police station ng isang Rosemarie Pedroza, ng UP Compound, Diliman, Quezon City matapos na sabunutan at kalmutin ni Webb sa loob ng Decades Bar and Restaurant sa Roces Avenue, Brgy. Laging Handa, ng naturang lungsod.

Ayon sa ulat, naganap ang in­sidente dakong ala-1 ng mada­ling-araw sa loob ng naturang bar. Sa reklamo ni Pedroza, nag­­simula umano ang gulo nang kanyang batiin ang nobyo ni Webb na kanyang  kakilala.

Hindi umano ito nagustuhan   ni Webb kaya sinita si Pedroza.  Dito nag-umpisa ang balyahan hanggang sa magkasabunutan ang dalawa.  Isang rambol na­man ang naganap nang makisali na ang mga lalaking kasama ng dalawang babae.

Nagsampa rin ng counter charge si Webb laban kay Pedroza at sa mga kasamahan nito dahil sa tinamo ring sugat sa katawan. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

DECADES BAR AND RESTAURANT

EAST AVENUE

PEDROZA

QUEZON CITY

SHY

WEBB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with