Baywalk restaurant at bars tinaningan
Hanggang ngayong linggo na lamang ang taning ni Manila Mayor Alfredo Lim sa mga may-ari ng restaurant na giniba sa Baywalk para magbayad ng utang nilang buwis.
Kabilang sa pinagbabayad ang Bahay-Kalipay, Knock-out Bar, Yakitori Dori, Indo Grills at Renz Restaurant.
Ang mga nasabing restaurant ay natuklasan na umokupa pero hindi nagbayad ng buwis at walang permit sa lokal na pamahalaan.
Tinatayang aabot umano sa may P7 milyon ang hindi nabayarang buwis sa lokal na pamahalaan ng dating mga baywalk establishment. (Doris Franche)
- Latest
- Trending